This is porn.

(Source: sam-the-friendly-ghost)

neuroticdream:

♡Just in love♡ | via Tumblr on We Heart It.

neuroticdream:

♡Just in love♡ | via Tumblr on We Heart It.

Bakit?

Muli, isa na namang tanong ang gumulo sa aking nananahimik na isipan. Bago ako tuluyan ng magkabisado ng buong Pilipinas bilang paghahanda sa aming mahabang pagsusulit bukas, narito muna ang aking tanong.
Bakit? Bakit nga ba natin pinahihintulutang masaktan tayo ng tao ngunit wala tayong iginaganti sa kanya? Kahit masaktan pa ng pisikal, emosyonal o mental, patuloy parin nating ipinaparamdam ang kahalagahan at tunay nilang kahulugan sa buhay mo. Nagpapatunay lang siguro ito na may mga bulong sa iyong isip na nagsasabing “mahal mo siya.” Mahal hindi lamang isang tipo na nag iibigan kundi isang paraan ng pagpaparamdam kung gaano ka kahigpit kumapit sa tali na nagdudugtong sa inyo na kahit nasa dulo ka na at unti unti ng dumudulas para mabitawan ito, hindi ka parin nawawalan ng lakas upang muling hugutin ang taling nagbigkis sa inyo patungo sa kabilang dulo, sa piling niya upang sabay niyong harapin ang anumang bagay na alam niyong mas makakaya niyong malagpasan ng magkasama.
Hindi ko alam. Iba nga siguro ang nagagawa ng pagmamahal. Hindi ko kasi lubos na malaman ang tunay na kahulugan nito.
Bakit? Bakit kailangan nating masaktan kung nagmamahal lang naman tayo? Bakit.

Let her go; passenger.

Kailan?

'Yan ang tanong na bumabagabag sa aking isipan. Kailan.
Kailan nga ba natin malalaman kung panahon na o hindi pa? Kung sapat na o kulang pa. Minsan ginugulo rin tayo ng oras at ng maling pagkakataon. Hindi natin alam kung dapat na bang gawin ang isang bagay na matagal ng nakatago sa ating kalooban. Kung dapat na bang itigil ang lahat ng pagkukunwari at pagtatago para masabi mo na ang inipon mong mga salita na minsan ma’y hindi nakawala sa iyong labi.
Kailan nga ba natin masasabing tayo’y ganap ng nagpapakaligaya mula sa ating pagbangon mula sa mahimbing na pagtulog hanggang sa nagagawa natin ang mga bagay na buong lakas at panatag nating naipapakita dahil alam mo sa iyong sarili na kahit anong mangyari, hindi ka na natakot at nagtago at hanggang sa iyong muling pagtulog ay wala kang ibang aalalahanin kundi ang panibagong saya na naman na inaasam mo sa araw-araw. Kailan nga ba?

Kailan matatapos ang pagkaduwag ng mga tao na lagi na lang nagtatago? Kailan?

pixielyrics:

Sad Song - We The Kings featuring Elena Coats

pixielyrics:

Sad Song - We The Kings featuring Elena Coats